Humigit-kumulang 20 milyong piso umano ang tinangay kagabi ng hindi pa nakikilalang kalalakihan mula sa bahay ni Eulogio Rodriguez y Rante sa Brgy. Batalay, Bato, Catanduanes.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bato MPS, bandang alas otso trena (8:30) ng gabi, ika-3 ng Mayo 2022 nang mapansin ng katiwala ng bahay ang humigit kumulang 9 na kalalakihan na pawang naka-fatigue at nakabonnet habang papaakyat sa likod na bahagi ng bakod.
Mabilis na nakapasok sa bakod ang kalalakihan na pawang armado umano ng short at long firearm. Tinutukan nito ang dalawang gwardya at pinusasan ito habang nakadapa saka kinuha ang kanilang mga cellphones at wallet.
Nagawa pa umanong maisara ng katiwala, na siyang unang nakapansin sa insidente, ang pinto subalit sapilitan umano itong niransak ng mga salarin.
Sa loob ng bahay ay inabutan ang tatlong katiwala na pawang pinadapa at tinangayan din ng mga cellphone.
Niransak din ng mga kawatan ang mga drawer at cabinet sa sala habang umakyat sa ikalawang palapag ang ilan sa suspek at naghalughog din sa mga kwarto.
Nakuha sa kwarto ang dalawang kahon na naglalaman umano ng humingit kumulang 20 milyong piso.
Ayon sa mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente na halos nagtagal lamang umano ng humigit kumulang 15 na minuto.
Tangay ng mga kawatan ang dalawang kahon ng salapi at mga kahon ng alak. Dagdag pa ng mga witness nagpaputok ang mga suspek ng isang beses bago tulayang tumakas sa lugar.
Narekober ng mga pulis sa bahay ang apat posas, mga sako, at 3 piraso ng cable wire na ginamit na pangtali sa kamay ng mga biktima.
Nagtamo ng sugat sa mukha at katawan ang isa sa mga gwardya matapos itong kulatahin at bugbugin ng isa sa mga suspek. Habang ligtas naman ang may-bahay ni Rodriguez matapos makapagtago.
Ayon sa may-bahay, wala sa kanilang tahanan ang asawa dahil abala umano sa pangangampanya sa Bayan ng Virac nang oras na iyon.
Si Rodriguez ay ang dating alkalde ng Bayan ng Bato at ngayon ay tumatakbong Kongresista sa Catanduanes.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang suspek dahil hindi umano gumagana ang mga CCTV na nasira ng Bagyong Rolly. Hindi rin naplakahan ang dawalang gray na van na ginamit na get-away vehicle ng mga suspek.
Matapos na maireport sa Bato MPS ang insidente, ay agad na inalerto ang kapulisan at naglatag ng dragnet operation sa lugar at karatig na bayan.
Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at maaresto ang mga ito. | Police report/CatPPO)