Virac, Catanduanes – Nakatakdang selyohan ng lokal na pamahalaan, Department of Tourism at ng PNP Provincial Command ang kasunduan para sa pagtatalaga ng mga local police sa mga tourist destinations sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Carmel B. Garcia, nagkaroon na nang insyal na pag-uusap ang PNP Provincial Command sa pamamagitan ni Police Lieutenant Cornel SANTOS J. TAGAMATA, Chief of the Provincial, Plans and Programs Unit ukol sa pagtatalaga ng police sa mga kilalang tourist spots para mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga turista.

Upang matupad ang naturang inisyatibo, magkakaroon ng โ€œTripartiteโ€ Memorandum of Agreement ang magkabilang panig at ipapatupad ito  sa lalong madaling panahon.

Kasama sa lalagda sa memorandum ay kagawaran ng turismo sa pamumuno ni Regional Director Herbie Aguas, ang PNP Catanduanes sa pangunguna ni Provincial Director Benjamin Balimbing, Jr.  at Lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa pamumuno ni Governor Joseph Boboy Cua.

Ayon kay Garcia, ang naturang kasunduan ay may kaugnayan sa programa ng Department of Tourism na TORCOP na layuning pagtibayin ang ugnayan ng PNP at Kagawaran ng Turismo upang  mapangalagaan ang tiyak na kaligtasan at maayos na pagtanggap sa mga turista.

Advertisement