Maraming nabigla sa impormasyong naghain ng election protest si dating kongresman Hector Sanchez laban sa praklamadong si Congressman leo Rodriguez ng Bato.

Ayon sa ating bubuwit, nagpalabas na ng kautusan ang pamunuan ng Comelec sa lalawigan upang pangalagaan ng mga election officers ang mga ballot boxes na nakadeposito sa mga treasurer’s offices sa buong lalawigan dahil sa inihaing protesta sa house of representative electoral tribunal ni dating kongresista Sanchez.

Ayon sa kabilang kampo, welcome umano ang naturang hakbang ng dating kongresista at karapatan naman umano ng dating solon kung sa tingin niya merong merito ang kanyang reklamo. Subalit, ayon sa kampo ni Rodriguez, nasa kamay ni Sanchez ang pruweba para patunayan ang naturang protesta.

Sa kabila nito, hindi umano sila mag-aaksayang pagpaguran ang mga pangarap sa lalawigan habang merong ganitong hakbang.

Kaya nga lamang, ang reaksyon ng ilang marites, saan kaya kukuha ng pantapal ang dating solon kung halos 28k ang naging lamang ng nanalo? Tanging sa Caramoran lamang umano nanalo ang dating kongresista, subalit slim din ang naging kalamangan..hikhikhihkikhik!

Sa ganang akin naman, sure na pinag-aralan yan ng mga abugadong umaalalay sa dating kongresista. Pero, sana malapit sa katotohanan ang protesta para hindi naman mag-aksaya ng panahon at pera ang dating kongresista maging ang kasalukuyang solon.

Sa kabila nito, magandang strategy ang ginagawa ng kampo ni Sanchez.  Una, para maging talk of the town parin ang kanyang pangalan para sa susunod na halalan hindi makalimutan at patok pa rin ang kanyang name. Ikalawa, para meron pa siyang pagkakaabalahan, ikatlo, para mabulabog din ang atensyon ng incumbent at matapyasan pa ang kapal ng kanyang bulsa dahil kailangan nito ng abugadong magrerepesent sa kanya…hikhikhikhik! At ang ikaapat, malay natin, merong himala sa nakalipas na halalan?..hikhikhikhik!

Ayon sa isang malikot ang pag-iisip at  ng isang marites, baka naman, gusto lang kumita ng ilang alipores at gusto lamang gatasan magkabilang kampo…hikhkhihhikhik!

********  

Nangako ang Chief of Police ng Pandan at ng Caramoran na kanilang bubuwagin ang mga illegalista sa kanilang lugar, particular ang mga sangkot sa illeghal fishing maging sa illegal logging.

Ito’y matapos, lumabas ang mga impormasyon na merong kumikitang kabuhayan sa kanilang lugar. Pinabulaanan ng dalawang COP na merong sangkot sa kanilang hanay.

Sa mga marites na umaakusa sa mga kawani ng dalawang himpilan ng pulisya, kailangan namin ang matibay na ebidensya para derektang turuin ang mga salarin. Hindi sila sisikatan ng araw..hikhikhihkik!

********

Magreretiro na pala si Most Reverend Manolo Delos Santos dahil nasa mandatory age na siya. Ang tanong, sino kaya ang susunod sa kanyang yapak? Kung titingnan mo, tila napakadali ng panahon. Parang kailan lang humalili si Bishop Delos santos kay Bishop Jose Sorra, 28 taon na ang nakalilipas, pero, ngayon tapos na ang kanyang mahabang oras sa simbahan.

Malaki ang magiging hamon sa susunod sa kanyang obispo dahil sa mga naisakatuparan ng obispo sa nakalipas na 28 taon. Good luck Bishop Delos Santos.

Advertisement