Umaga noong Enero 6, 2023, surpresang binisita ng Catanduanes Provincial Forensic Unit sa pangunguna ni PCPT ALJO M LIRAY ang San Andres MPS upang magsagawa ng Random Drug Test, sa lahat ng Uniformed and Non-Uniformed Personnel ng nasabing stasyon kung saan, ang lahat ay isinailalim sa nasabing pagsusuri.

Ito ay paraan upang tukuyin ang sino man o kung meron mang myiembro ng kapulisan na gumagamit ng ipinababawal na droga at sakaling mapatunayang positibo sa pagamit nito, ay papatawan ng kaukulang parusa na pagkakatanggal sa serbisyo at pagkakakulong.

Sa pangkalahatan, ang aktibidad na ito ay isa sa mga hakbang sa kampanya laban sa ilegal na droga, at pagtugon sa Intensified Internal Cleansing Program (Punitive Approach) ng PNP, na naglalayong parusahan ang mga tiwaling myiembro nito upang linisin ang loob ng organisAsyon. l via San andres MPS Philippine National Police PNP Kasurog Bicol

Advertisement