Virac, Catanduanes – Apat na medicine graduates ang pumasa sa katatapos pa lamang na Licensure Examination for Physician nitong Marso 2023.

Sa report ng Professional Regulation Commission, kasama sa apat na mga bagong medical doctor sa lalawigan ng Catanduanes ay sina Dr. Michael John R. Delluza ng Rawis, Virac, Catanduanes at Dr. Josef Christian V. Villamor ng Panganiban na parehong nagtapos sa Our Lady of Fatima University sa lungsod ng Valenzuela, Gianfranko Antonio P. Romano ng San Andres na nagtapos sa San Beda at si Dr. Kathleen Carla L. Silva ng Virac.

Kapwa nagpahayag ng kanilang kagalakan ang mga pinalad na pumasa matapos ang kanilang masugid na pag-aaral. Nangako ang mga itong magiging instrumento sila sa magandang serbisyo sa mga nangangailangan.

Advertisement