Sinuspendi ng lokal na pamahalaan ng Virac ang klase sa lahat ng antas mula sa Elementarya at sa kolehiyo matapos itaas na sa signal number 1 ang buong lalawigan sa bulletin ng Pagasa ngayong alas 5 ng umaga.

Paghahanda sa kalamidad ang isa sa mga dahilan ng maagang pagsuspendi ng lokal na pamahalaan ng Virac. Pinayuhan ang mga residente na mag-ingat partikular ang mga nasa low lying areas upang maiwasan ang mga aksidente sakaling tumaas ang level ng tubig maging mga landslide sa mga prone areas.

Advertisement