Virac, Catanduanes – Matagumpay na nasungkit ng Barangay Agban, Baras, Catanduanes ang 2nd Runner-up sa prestihiyosong 2024 Lupon Tagapamayapa National Awards sa kategoryang 4th hanggang 6th class municipalities.

Isinagawa ang nasabing parangal noong Nobyembre 7, 2024 sa Manila Hotel na umani ng papuri mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang nasabing parangal ay tinanggap ng mga kinatawan mula sa Barangay Agban, kabilang ang kanilang Lupon Chairperson, Punong Barangay Gabriel T. Villanueva, Lupon Secretary Michelle Dacuba, Lupon Treasurer Jomelyn Vargas, at iba pang mga miyembro ng Lupon.

Kasama rin sa mga nagbigay pugay sa kanilang tagumpay sina Baras Mayor Jose Paolo Teves III, Baras MLGOO Salvador C. Vargas Jr., at DILG Catanduanes Provincial Director Uldarico Razal.

Ayon sa mga opisyal maging ng DILG, particular ang alkalde ng Baras, ang tagumpay ng Barangay Agban ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagpapalaganap ng makatarungan at maayos na proseso ng pamamahala sa barangay.

Ang pagkilalang ito ay isang inspirasyon para sa iba pang mga barangay sa buong bansa na magsikap at magsilbing ehemplo sa kanilang komunidad. (Patrick Yutan)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.