Bicol Peryodiko News

News update in and around the province of Catanduanes

Criminology student, natagpuang patay

VIRAC, CATANDUANES – Natagpuang wala ng buhay ang isang 22-year old na criminology student sa loob mismo ng kanyang inuukupang boardinghouse sa barangay ng Rawis noong nakaraang linggo. Batay sa impormasyon, pasado ikawalo ng umaga noong September 24 nang madiskubre ng mga kaibigan at boardmates...

Water dam, unang proyekto ni Cong. Sanchez

VIRAC, CATANDUANES – Kinumpirma ni District Engineer Gil Augustus Balmadrid ng DPWH-Catandunaes Engineering District ang paglulunsad ng kauna-unahang proyekto sa lalawigan ni Cong. Hector Sanchez upang matugunan ang kakapusan sa suplay ng tubig lalo na sa panahon ng tag-init. Sa panayam ng Bicol Peryodiko kina...

15 katao, arestado sa tupada

SAN ANDRES, CATANDUANES – Hindi bababa sa 15 katao ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhan ang mga ito sa tupada noong Biyernes Santo sa Barangay ng San Isidro, San Andres. Ang mga nadakip ay kinilala sa mga pangalang Michael Sabido, Jesus Portes, Jesus Magno, Rener...

Brgy. Kagawad, 3 iba pa, arestado sa illegal logging

Caramoran, Catanduanes – Arestado ang isang kagawad ng barangay kasama ang tatlong iba pa sa isang anti-illegal logging operation na isinagawa ng PNP sa barangay ng Camburo noong nakaraang linggo. Sa ulat ng Caramoran PNP, dalawang beses umanong nagbigay ng impormasyon sa himpilan ng pulisya...

Ardous band, wagi sa pinakaunang FaziklaBand 2018

Virac, Catanduanes – Tinanghal na kampeon ang Arduous Band sa kauna-unahang “FaziklaBand: The Battle of the Band” ng Radyo Peryodiko noong Marso 16, 2018 sa Virac Sports Center. Ang FaziklaBand ay isang kompetisyon ng mga local band enthusiasts sa rehiyon bilang tampok sa ikalawang taong...

VG Abundo, pinarangalan ng BSP

VIRAC, CATANDUANES – Nasungkit ni Vice Governor Shirley A. Abundo ang isang pagkilala mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa 2016 Awarding Ceremony na idinaos sa lungsod ng Naga noong nakaraang linggo. Ang nasabing pagkilala ay nakapaloob sa isang Appreciation Lunch na pinangasiwaan ng...

Bawat Biyernes, idineklarang Anti-dengue day sa Catanduanes

Virac, Catanduanes - Dahil sa dumaraming kaso  ng Dengue sa lalawigan ng Catanduanes, ideneklara ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang bawat Byernes bilang Anti-Dengue Day.             Ang memorandum number 19 series of 2019 na may petsang Agosto 7, 2019 na...

2M hot lumbers, nakumpiska ng DENR nitong 2017

VIRAC, CATANDUANES – Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng hot lumbers ang naitalang nakumpiska batay sa inilabas na 2017 Accomplishment Report ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Batay sa ulat, umabot sa  52 Anti-Illegal Logging operations ang naisagawa sa buong lalawigan kung saan...

20 brgy sa Cat’nes, idineklarang drug-cleared ng PDEA

Virac, Catanduanes – Dalawampu (20) sa mahigit tatlong-daang barangay ang pormal ng naideklarang drug-cleared barangays ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Catanduanes. Sa datos na ipinalabas ng PNP Provincial Police Office na may petsa  July 30, 2018, umaabot na sa  237 sa...

Falsification, isinampa ng PB laban sa SB Secretary

Secretary Isidoro
VIRAC, CATANDUANES – Kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code, as amended by RA 10591, o pagpapalsipika ng pampublikong dokumento ng isang kawani ng pamahalaan ang isinampa ni Punong Barangay Matthea Tablizo ng Brgy. Cavinitan laban kay Sangguniang Bayan Secretary Susan...