Ayon sa ating bubwit may pampublikong comfort room (CR) di umano sa SM San Andres…este Saod Market… ang ayaw ipagamit sa publiko ng ilang stall vendors dito na malapit sa palikuran. At huwag kay mga Kaperyodiko, kinakandaduhan daw ito upang ekslusibo ang paggamit nito. Weh? Di nga? Hikhikhik!

Biglang umusok ang ilong ni Erning ng malaman ang balita, “Sinuswerte man an tawong ini! Mga nonoy, mga nene an anuman na establisimiento na pagsadiri kan gobyerno lalo na kun an purpose kaini para gamiton kan publiko dai tabi nindo pagsadirihon ta an nagpatugdok kaan kwarta ni Juan Dela Cruz!” Hikhikhik!

Base pa sa ating bubwit nag-ugat daw ang nasabing isyu nang isang palengkero ang inabot ng call of nature subalit sa kasawiang palad ay hinarang umano ito ng isang stall vendor at pinagbawalan na mangumpisal dito! Aba eh, matindi! Hikhikhik! Ang ginawa daw ng palengkero sinagot ito at hindi nagpaawat dahil baka nga naman sumabog sa hindi tamang lugar ang tawag ng kalikasan nito. Hikhikhik!

Dagdag naman ni Nay Bitsayda na dating reyna ng palengke, “Kaya ngani an binugtak diyan ta iyan intension gamiton an kan publikong nanaod na minalas buda inaabot nin remalaso habang ga-shopping!” Hikhikhik!

Bulong pa ng ating bubwit kinasuhan daw yung palengkero ng unjust vexation matapos umano itong haplusin ng kamay sa mukha paglabas ng CR dahilan upang magkapasagutan ito sa kung sino ang may karapatan gumamit ng mahiwagang trono! Kaya naman pala! Hikhikhik! Singit naman ni Wakin Matador, ”Maski ika an gamantinir kan pasilidad na an, dai ka karapatan trangkahan an! Daing mas desperado pa sa tawong nakakamati nin pangangaipo sa oras de peligro!” hikhikhik!

May point naman ang palengkero dahil ika nga costumer is always right subalit naging mali na lang ito matapos ang kanyang mataimtim na panalangin sa trono. Hikhikhik! Ito pa ang rebelasyon ng ating bubwit, kumandidato daw ito noong nakaraang eleksyon bilang konsehal ng munisipyo at natalo. Beh! Buti nga! Hikhikhik! Pabuweluhin nating si Atty-Not-Yet Poroy sa kanyang not-so-legal advice, Hikhikhik!

“The point here is who may use a public utility building? It may be regulated by the caretaker by maintaining its cleanliness but he or she has no exclusive authority over it especially it will be used by the public itself. The last say will be the public who opted to use it. However, when using public toilets shall also have its own responsibility. Always think of the next person who will use it to be fair.” Iba ka talaga Poroy! Hikhikhik! Siguro mga Kaperyodiko ito ang numero unong apektado kapag hindi nabubuhusan ng maayos ang CR na ito at umaalingasaw na amoy ang tumatambad sa pwesto nito. Hikhikhik!


May eskinitang maliit daw diyan sa bayan ng Bato na sa tuwing may checkpoint ang PNP sa may tulay ay bumubukas daw ito para sa mga motorista subalit meron daw toll fee. Hikhikhik!

Banat agad si Wakin Matador, “Ano daw kun magsurunod na sana sa batas-trapiko para satuya man sana an kaysa magparahanap pa nin paagi malusutan sana an checkpoint.” Matino ka rin naman pala kausap Wakin! Hikhikhik! Segunda naman ni Nay Bitsayda, “Bakong bayolasyon man siyempre an nin batas trapiko an pag-iwas sa otoridad? Pag-iniwasan mo an gusto sabihon igwa ka talaga kasal-an.” May point ka Nay Bitsayda. Hikhikhik! Malaking check sa point ng tsismosa mga Kaperyodiko! Hikhikhik!

Bakit ka nga naman iiwas kung wala kang violation? Sabi pa ng ating bubwit, eyes to the ball daw ang mga nasa likod ng eskinitang ito dahil araw-araw umano ang checkpoint sa lugar kaya tuwing may checkpoint sure ball ang kita dahil indispensable daw ang eskinitang ito dahil hindi makakatawid ang motorista na hindi dumadaan sa checkpoint kaya nagawa ang ganitong paraan. Resourceful! Hikhikhik!

Litanya ni Poroy, “Calling the attention of the Bato MPS to verify the veracity of this report. The essence of law enforcement will be put into waste if this is true. Even the authority will conduct daily checkpoint if there is an alternative way to evade it. It is nothing. The riding public and the caretaker of the said passage shall also be careful because you are conniving to avoid the law by creating another violation of the law provided also that there is a pecuniary consideration. This is a clear violation of traffic rules.” Bilib na talaga ako sayo Poroy! Hikhikhik!

Ano pa kaya ang hindi kayang gawin ng mga taga-Bato? Kaya naman pala Bato Alisto! Hikhikhikhik! Kitakits mga Kaperyodiko!

Advertisement