Nagpost na si PBM Robert Fernandez na nagbigay na ng support sa kanyang kandidatura si Congressman Bong Teves ng TGP. Sa kanyang post nitong January 3, 2024, nagpasalamat ang opisyal sa suporta ng dating bise gobernador.

Batay sa lista ng mga kandidato sa Comelec, dalawa lamang ang magtutuos sa naturang pwesto. Ito ay sina PBM Fernandez at dating VG Shirley Abundo. Magiging head-on ang labanan kung kaya’t simple mathematics ang sistema sa mga botante. 50 % plus one lang, sure panalo na. Kung matatandaan, medyo mahaba din ang naging samahan nina VG Shirley at Bong Teves sa pulitika, kung kaya’t malaking dagok ito sa dating bise gobernador dahil malaki rin ang mawawalang botante pabor kay Fernandez.

Batay sa ilang political observers, kung ngayon ang halalan, mas nakakalamang si Abundo, subalit dahil sa Mayo pa ang botohan, magiging iba ang magiging scenario apat na buwan mula ngayon. Kung makikita natin, sa lahat na mga speaking engagements maging mga simple events, kasama ng Cua brothers si Fernandez. Ibig sabihin, maraming exposure ngayon si PBM kumpara kay Abundo, kung magagamit ng husto at kung dadalhin maging sa last hour si PBM ng Cua brothers, malaki ang tsansa na mananalo nga ito.

Sa kabilang banda, malaki rin ang advantage ni Abundo kung magagamit ang kanyang dating karisma hanggang sa dulo ng kampanya at sa mismong halalan. Kung mananaig sa islang kayganda ang customary last hour money contest, malaki ang magiging impluwensya nito sa mga botante at magiging resulta ng dalawang magkabangga.

Ang kailangan gawin ni PBM Fernandez para manalo, ma convert sa boto ang endorsement ng Cua brothers at magkaroon ng mahika sa last hour…hikhkhihik! Para naman kay Abundo kung nais niyang manalo, mabalikan ang kanyang mga dating leaders maging visible muli sa mga barangay at hindi mawalan ng epektos sa last hour..hikhkhihik!

Samantala, ano ang bentahe sa taong bayan ng dalawang kandidato sa pagkabise gobernador? Kung si Fernandez ang VG at ang kanyang kaalyadong si VG Peter ang mananalong gobernador, walang hassle sa mga priorities dahil silay magkasangga sa hirap at ginhawa..hikhikhihkik! Sa kabila nito, kung si Abundo ang mananalo, posibleng magkasangga at magkabangga ang magiging Sistema sa SP. Meaning , merong check and balance. The same manner kung si Fernandez ang mananalong VG at Azanza ang mananalong gobernador, posibleng magkasangga at magkabangga rin ang magiging scenario sa SP.  Kung si Abundo at Azanza naman ang mananalo, posibleng ganito rin ang magiging sitwasyon, magkasangga sa hirap at ginahawa.

Magkaganunpaman, kailangan natin ng critical thinkers sa SP sa lahat ng oras. Hindi dapat maging stamping pad ng executive ang SP maging mga miyembro nito. Kailangan din natin ng mga PBMs na hindi nagiging beholden kung sino ang gobernador at kung sino ang kanilang bise gobernador. Meron silang oversight power kung kaya’t kailangan, may tamang pag-iisip at hindi yong amen ng amen lang ang kanilang mga prinsipyo kung sino ang goberbador, for a healthy and effective governance. Kita kits mga kaperyodiko!

Advertisement