LEGAZPI CITY — Ibinunyag ng Department of Health (DOH) Bicol na bahagyang tumaas ang bilang ng nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) sa rehiyong Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOH-HIV program manager Tessa Encisa, kung ikukumpara ang taong 2016 at 2018, tumaas ang kaso ng HIV hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.

Resulta umano ito ng adbokasiya ng DOH na magpa-test ang publiko upang malaman ang estado ng mga ito.

Ayon kay Encisa, maganda ang naging resulta nito dahil naliwanagan ang publiko na mas magandang malaman ang estado ng kanilang kalusugan lalo pa at mayroong treatment hub na nagbibigay ng gamot para sa HIV.

Sa kabila ng naitalang pagtaas, dalawang porsyento lang aniya ang ambag ng Bicol sa kabuuang bilang ng HIV cases sa buong bansa.

Dahil sa pagdami ng kaso, nadadagdagan din ayon kay Encisa ang social hygiene clinic na nagbibigay ng serbisyo para sa free testing subalit iginiit ng opisyal na boluntayro at hindi pinipilit ang lahat na magpa-test.

Advertisement