Arestado ang sampung katao matapos maaktuhan sa iligal na pangingisda gamit ang Fine Mesh Net nitong Marso 24, 2023 bandang 4:30 ng hapon sa Barangay Cagraray, Bato, Catanduanes.

Pito sa nasabing mga arestado ay mula sa bayan ng Bato samantalang ang tatlo sa kanila ay mula sa San Miguel.

Kumpiskado sa mga mangingisda ang tatlong fine mesh net kabilang ang mga isdang nahuli.

Nahaharap ngayon ang mga arestado sa kasong paglabag sa Sec 93 ng RA 10654 (Philippine Fisheries Code of 1998, Sec. 93 Fine Mesh Net)

Nagpapasalamat ang himpilan ng PNP Bato sa mga mamamayan ng Bato na nagpapatunay lamang sa malakas na ugnayan ng mamayan at pulisya laban sa kriminalidad.

📸Bato MPS

 

Advertisement