Tapos na ang one-year ban para sa mga talunan nitong nakalipas na national and local elections. Kaya sure ako na maraming magiging movement sa cabinet post ni President Bongbong Marcos. Siyempre, kasama sa nakikita nating papasok, yaon mga naging sympathizer’s at lumaban para sa pangulo at hindi lumaban para sa mga mamamayang pobreng tikoy..hikhihikhikhik!

Maraming nagsanib pwersang mga Partido sa takot na posibleng mapakulong, kaya’t sama sama silang gumawa ng coalition para hindi sila magagalaw sa panahon ni PBBM..hikhikhikhik!

There is no permanent in this world, except change. Sureness na merong magiging realignment sa mga susunod na araw para sipain na ang mga NPA, non-productive aliens,,hikhikhikhiik! Meron akong nakikinitang mga presidentiables na sureness magkakaroon ng pwesto.

Pero, ayon kay dating senator Trillanes, medyo kalma umano ang galaw ng Marcos administration sa pagtugon sa drug problem, kumpara sa nakalipas na Duterte administration na sa umpisa pa lamang, patayan dito at patayan doon..hikhkhikhik!

Marami sa mga namatay, walang, kalaban-kalaban at ang iba ay pinalaban..hikhikhikik! Naalala ko tuloy ang sinabi ng isang lispu sa isla na nagsabing, 50% ng kanilang accomplishment, planted..hikhikhikhik!

Ang tanong ngayon, kasi nag courtesy resignation na ang mga police officials, kelan ang inaasahan nating pagbabago at pagbabango? Public knowledge kasi na ilang tagapagpatupad ng batas ay taga butas ng batas..hikhihikhik!

**********

Abaca festival na ngayong susunod na linggo. Marami ang nagtatanong kung ano ang magiging biyaya ng mga abaca strippers na laging nali-left behind. Nitong nakalipas na isang taon, halos 20 pesos na umano ang ibinaba ng abaca fiber? Ang tanong, sino ang magpapamahal? Maliban dyan, ang tanong sino ang nagpapamura? Hikhihihik!

Sana naman, hindi nagagamit ang presyo sa personal interest ng mga negosyante. Bakit umano mahal kapag panahon ng halalan subalit sa panahon ng ordinary days, nagmumurahan? Hikhikhihkik!

Advertisement