Nangyari na ang inaasahan ng ilang empleyado sa kapitolyo. Ang iba, ang sabi, tabadan pa, hikhikhikhik! Ito ay kaugnay sa pagkakadakip ng anim na mga empleyado na nagpapasarap sa paghimas ng mga baraha..hikhikhik!

Ang siste, sinurpresa kan mga alagad ng batas ang anim na empleyado habang nakalatag ang maning kwenta at mananggatos sa isang kubo na siyang tagpuan ng mga mahilig sa baraha..hikhikhik! Ayon sa ating bubuwit, matagal na di umanong nangyayari ang 2 oclock habit sa naturang tagpuan at ditto nga nabulabog ang mga empleyado ng kapitolyo nang isagawa ang surprise ng mga pulis..hikhikhik!

Ang tanong ng ilan, bakit nangyayari ang naturang 2’clock habit? Wala pang trabaho ang mga ito? Baka nga, dahil naboboring sila, kung kaya minabuting maging gising sa hapon para hindi makatulog sa office..hikhikhik! Sino kaya ang mga bossing ng mga empleyadong ito at bakit pinababayaan lamang ang mga ito na maghimas na lamang ng baraha sa halip na bigyan ng trabaho? Hikhikhik!

Sa prinsipyo ng mga obserbador, kung lagging wala ang kuting naglalaro ang mga daging..hikhikhik! O baka naman, lagging nakakulong ang bossing sa kanyang malamig na office at hindi nakikita kung ano ang nangyayari sa kanyang mga alipores..hikhikhik! O baka naman, si bossing na ang nagsumbong dahil hindi niya na kayang disiplinahin ang mga tseketing..hikhikhikhik!

************

Dami ang tinamaan ng ginawang pagbaklas ng mga tarpaulin ng mga kandidato. Ayon sa comelec, sandamukal ang kanilang mga nilinis sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan dahil sa paglabag ng mga kandidato hindi lamang sa national kundi local candidate.

Ayon sa comelec, sakaling umulit pa ang mga ito, posibleng makasuhan na ang mga kandidato. Dapat daw kasi sumunod sa tamang lalagyan ng mga polyitos at hindi sa mga ipinagbabawal. Kaya lang madam comelec, kung saan kasi ang bawal, doon din ang magandang paglagyan..hikhikhik! Masarap talaga ang bawal..hikhikhik! Ang punto, dahil mga aspirante kayo, dapat sa pagsunod pa lamang sa batas tarpaulin dapat ng masunurin, dahil kapag hindi kayo masunurin hindi kayo magandang botohin..hikhikhik!

****** 

Kaliwat kanan na raw ngayon ang pamimigay ng mga hilaw na kandidato. Ang tanong, tatagal kaya sila? Sa dami ng mga solicitor general ngayon, sure na mabubutas ang mga bulsa ng mga nag-aastang galante..hikhikhik! Sana naman, hindi lamang ngayong halalan ang butasan ng bulsa, kundi buong termino mga karatista kayo. Dahil kapag, nakaupo na kayo magiging boksingero uli kayo, wala ng kakagat sainyo..hikhikhik!

******

Advertisement