Marami ang magiging tiger look ngayong 2022 dahil ang zodiac sign sa Chinese calendar ay Tigre..hikhikhikhik! Ang mga dati ng mga animalistic mas magiging siga ngayong 2022 dahil kapanahunan nila ngayong taon..hikhikhihkik!

Kaya nga lamang, mag-ingay sila sa leon kasi mas siga ang leon kaysa tigre..hikhikhikhikhik! Ang mga lucky colors daw ngayon ay blue, gray at yellow. Kaya yong mga merong kulay ng ganun, sila ang Malaki ang tsansang Manalo ngayong halalan..hikhikhikhik!

********** 

Isang mabungang araw at manigong bagong taon sa ating lahat mga kaperyodiko! Marami ang mga umaasa sa kanilang tagumpay ngayong 2022 lalo pa’t malapit na ang halalan. Sure na marami sa kanila ang masyado nang madasalin para paburan ng Smart magic este smartmatic sa May 9..hikhikhikhik!

Meron nga akong kakilalang pulitiko na lagi ng nagsasanto-rosaryo para hindi halata na sa May 9 pa lamang siya hihingi ng pagbabasbas..hikhikhikhik! Marami ngayon ang makatao at makaDios at higit sa lahat nagkakawang-gawa kaysa maging ngawa ng ngawa..hikhikhihkik!

Pero, marami sa kanila ngayong pasko ang nagtago sa ilalim ng kama dahil sa maraming inaanak. Ayon sa ating bubuwit, ang kanilang mga pinaghahandaan ay yong pang last hour sa May 9 dahil wa epek na daw ang marami lang kaibigan dahil sa huli yong last minute color of money pa rin ang santo..hikhikhihik!

Sa kabilang banda, hindi naman assurance na marami kang pera, eh bobotohan kana, Meron pa ring preference ang ating mga bobotante, lalo na doon sa mga merong performance at maaasahan. Bagamat karamihan ay yaong mga pera lang ang pinagbabatayan, pero kung parehong nagbigay, siyempre, titimbangin kung sino ang mas malapit sa kanila.

Kaya’t sa mga handa na ang pera sa halalan, sipag at tiyaga ang kailangan para mamunga ang munting pangarap ngayong darating na Mayo.

********** 

Election period na ngayong Enero, kaya’t nangangamoy na ang balibagan ng mga political propaganda lalo na sa national posts. Sure na todo na ngayong darating na buwan ang kampanya sereye ng mga ambisyusong maging pangulo hanggang sa pinakamababang pwesto bilang konsehal.

Sa local level, ang pinakamaswerte sa balat ng isla ay ang dalawang binatang matipono sa bayan ng Bato dahil “walang kalaban”..hikhikhihihik! Tila naghihintay na lamang sila ng proklamasyon para ideklara sa kanilang mga pwesto bilang alcalde at bise alkalde.

Ito ay sa katauhan nina Mayor Johnny Rodulfo at Vice Mayor Roy Regalado. Tila maganda ang pagkakaputol ng mga pusod ng mga ito at walang naglakas ng loob na buwagin ang kanilang samahan.

In fairness, talaga naming sakalam ang dalawa pagdating sa kanilang performance dahil lagging nakikita ng kanilang mga kababayan..hikhihihihik!

Meron lang medyo nanghihinayang dahil tila hindi umano sila makakahigop ng mainit na sabaw na merong tanglad dahil walang magiging talunan.hikhikhikhik! Inindorso kasi nila ang makakalaban sanang si dating mayor Alisto Leo Rodriguez bilang kongresista..hikhikhikhik! Tanong ko lang sa dalawang poging bachelor ng Bato, kelan kaya magkakaroon ng long table sa munisipyo? hikhikhikhik!

*********

Dapat mag double time ang bayan ng Pandan at Panganiban para sa susunod na evaluation ng DILG, makasabay rin sila sa mga mabibigyan ng good financial housekeeping.

Batay kasi sa pinalabas ng DILG, ang PLGU Catanduanes ay nakakuha ng award kasama ang 9 na iba pang mga munisipalidad kagaya ng Virac, Bato, San Miguel, San Andres, Baras, Gigmoto, Caramoran, Viga at Bagamanoc.

Hindi hindi nilagay sa house at hindi kiniping ang pera dyan sa naturang mga lugar ..hikhikhikhik! Baka tinamad lang yong mga financial managers at hindi sumakto sa standard ng DILG ..hikhikhikhik!

Ito ang ipinagpapatuloy na programa ng yumaong dating DILG Sec Jessie Robredo na merong kaakibat ng financial rewards sa mga masigasig sa kanilang financial management.

Ang tawag pa noon ay Seal of good housekeeping, kung saan merong mga batayan hindi lamang sa financial aspect tinitingnan ang criteria kundi sa kabuuang pamamalagad at masigasig na serbisyo at presyo merong milyong budget para sa project.

Congratulations sa mga pinalad, subalit better luck next time sa mga hindi nakasabay. May bukas pa..hikhikhikhik!

************

Advertisement