Marami ang nagla-lobby sa ating mga legislators kung kaya’t marami ang nagpa-file ng extension para mapahaba ang termino ng ating mga barangay at SK officials.

Ayon sa ating bubuwit, ang mga nakasalangsang sa pwesto ngayon lalo na sa mga national maging ang mga provincial at municipal posts ay nagpaparamdam para makalusot ang extension proposal..hikhikhikhik!

Dapat maisip ng mga representa-thieves na mas kailangan ng magigiting na katuwang ng bagong presidente, bise presidente at mga opisyal down to the Sanggunian. Dapat makahanap tayo ng mga competent at merong kapas na magpapabago sa mundo ng ating ginagalawan.

Bakit ba sinasangkalan niyo ang 8 bilyon na matitipid kuno, samantalang ilang bobo at boba, maging mga pasaway sa barangay ang mapapalitan ng mga bagong mukha at henerasyon ng mga matitino at mapapakinabangang mga opisyal?

Sana naman, kilabutan kayo sa mga panukala niyo na hindi pabor sa taong bayan. Na-extend na ng ilang beses ang pwesto ng mga ito at ngayon, gusto na namang babyhin ng mga hangal sa kapangayarihan at nais nilang manatili ang kahibangan ng kanilang mga kapanalig…hikhikhikhik!

Sana, hindi ito paburan ni PBBM, dahil magiging balakid lamang sa kanyang mandato ang kasalukuyang mga nakaupo na tila tinatamad na yong iba, ang iba rin sa kanila ilang taon ng kapitan pero walang alam, at hindi nila inaalam ang kanilang trabaho. Sila pa ang mga naghaharing uri na impostor na may utak pero hindi sapat..hikhikkhikhik!

Pwera delos ubos sa mga matitino, pero, alam natin na kapag matino kayo bilang Punong Barangay at SK, sure na pipremyuhan kayo ng taong bayan sa pamamagitan ng pagluklok muli sainyo. Pero kung i-dedeprive ng mga legislators ang ating taong bayan, laway lang ang walang latay sa inyong pinaggagagawa. Maghunos dili kayo mga kaperyodiko!

Alam niyo ba na ang halalan ay isang survey para i-validate kung talagang matatawag na may K ang mga nakaupo sa pwesto? Kung sila nga ay mga huwaran, hindi yan bibitiwan ng taong bayan. Pero kung sila ang ubod ng katamaran, kamang-mangan at kawalang-alam, dapat nga silang hubaran ng kapangyarihan! Hikhkhikhik!

Kayo po ang mga utusan ng taong bayan, Get mo?? Maghulos dili naman kayo kapag may time..hikhikhihik!

*********

Ayon sa ating bubuwit, marami umano sa mga halal na legislators sa isla ang tila hindi alam ang kanilang trabaho..hikhikhikhik! Ayon sa ating bubuwit, marami umano sa mga ito ang nangangamote mag-english, kaya’t hindi mairaos ang kanyang nais sambitin..hikhikhikhik!

Kaya tama si Senator Robinhood na hindi naman dapat laging English ang ating pinapangalandakan kasi marami rin sa ating ang mahuhusay pero nagiging bangag dahil hindi alam mag-english..hikhikhikhik!

Pwede naman yan sa dialect para maging kapaki-pakinabangan ang mga sasabihin, kasi deprivation of expression ang mangyayari kung pagbabawalan na magsalita ng local dialect..hikhihhikhik!

Ito rin ay leksyon sa mga kumakandidato. Huwag niyong subukan kung alam niyong makikita lang ang inyong kahinaan..hikhikhikhik! Sabi ni yumaong kumadyanteng si Dolphy Quizon, madali siyang Manalo, ang problema niya kapag nanalo, ano ang kanyang gagawin? Hikhikhihikhik!

Marami kasi sa ating mga kababayan na tila ginawang negosyo ang pulitika, pero  hindi alam ang tunay na mandato ng kanilang mga pwesto…hikhikhikhik! Ang akala nila, heaven ang nasa pwesto, ang katotohanan, impwerno, sabi ng isang sumuko ng pulitiko..hikhikkhkikikj!

Umaga, gabi at hatinggabi umano maraming kumakatok sa kanilang bahay at tila Nawala na ang kanyang privacy..hikhihkikhik! Beauty nga sayo, nahimasmasan kana, ibigay niyo na sa iba..hikhihihkik!

KITA KITZZ MGA KAPERYODIKO!

Advertisement